Bakit ako loner?

 

Alam ko kung bakit ako single. Not because I am bitter. But because I find it hard to get close to people other than my family. Mahirap para sakin ang magtiwala. Dahil ako, pinalaki ako ng daddy ko na hindi mapagtiwala. Sabi niya “Wag kang magtititwala kahit kanino. Kahit sakin, dahil kahit ano pwedeng kong gawin para masaktan ka.” Pero sabi din niya. “Pero hindi ko gagawin yun dahi anak kita, ang akin lang, pinapaalala ko lang sayo na maraming bagay ang pwedeng gawin sayo ng mga tao sa paligid mo para  saktan ka, kaya dapat magingat ka. They could get advantage of you”

Sabi nga nila, mabait naman daw ako, mataray lang at masungit. A very bad combination. Well, that’s how people see me. Sometimes I wanna change it, pero palagi kong naalala ang mga pangaral ni Daddy. Kaya ang ginagawa ko nalang, pinapabayaan ko. Pero effective naman, because it is easier to let go of the people who want to be out of your life. Hindi masakit, hindi depressing. Kaya buong buhay ko, umikot lang sa pamilya ko. Pero minsan gusto ko din palawakin ang mundo ko, pero sa ganitong sitwasyon na ako sanay. Safe ako sa ganito. Pero alam ko ang totoo.

Natatakot akong mapahamak.

Natatakot akong ma-reject.

Natatakot akong mabaliwala.

Natatakot akong masaktan.

Baka hindi ko kayanin.

May mga taong iniwan na ako. Pero hindi ko magawang masaktan. Dahil gusto kong maging Masaya sila kahit hindi nila ako kasama. Gusto kong maramdaman nila na tama ang desisyon na ginawa nila. Pero natatakot din ako na baka balang araw, lahat sila iniwan ako at wala nang natira. Natatakot akong mamatay na magisa lang at walang kasama.

Advertisements

~ by elledann on January 10, 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: